100 Realtalk at Patama Quotes ni RC Blizz Tungkol sa Buhay, Self Respect, at Boundaries

Larawan ni RC Blizz
Kung naghahanap ka ng inspirasyon, ng pang post sa social media, o sadyang gusto mo lang mag-explore at magbasa-basa para malibang, nasa tamang website ka.

Ako nga pala si RC Blizz, kung sakaling ngayon ka palang napadpad dito, o ngayon palang nakabisita dito. Isa akong independent musician na ipinanganak, at dito narin lumaki sa Cavite. Yes, nagsusulat ako ng kanta, gumagawa ako ng mga beats, nagrerecording, may sariling music production, at ako din mismo ang utak sa likod ng brand na 'to, founder ng "Masama Ugali Clothing".

Ang mga mababasa mo ngayon dito ay ang mga "pinaka" paborito kong pinost na "Patama Quotes", o mga "Real Talk Lines" sa Facebook, na pinagkaguluhan talaga ng audience ko.

Handa ka na ba?

Nilagyan ko rin pala ang mga ito ng link papunta sa bawat Facebook post ko. Baka kasi maisipan mo lang din na silipin. Sa tingin ko kase, mae-enjoy mo rin ang pagbabasa-basa ng mga reaction, o comment ng mga tao sa bawat social media post ko na nandito. Yun yung parang maliit na icon ng kadena (
🔗) sa bawat dulo ng bawat linya o quotes. Enjoy!

 

Top 100 Realtalk/Patama Quotes ni RC Blizz na nag-Viral ng husto sa Facebook

 

1. "Ang unfair talaga ng mundo, kailangan nating i-manage yung galit natin sa mga taong hindi kayang i-manage yung katangahan nila." 🔗 

 

2. "Kapag pinuna mo yung taong nagmamarunong, lalabas lang na kontrabida ka. Kaya the best parin talaga kung hahayaan nalang natin silang tanga." 🔗

 

3. "Balita ko ayaw mo daw sakin ah, nabalitaan mo din ba na wala akong pake?" 🔗 

 

4. "Magsikap ka nalang din para maka-relate ka sa mga akala mo nagyayabang lang." 🔗

 

5. "Bakit kaya ganun, kapag ginawa mo na din sa kanila yung ginagawa nila sayo galit na galit sila." ðŸ”—

 

 6. "Hindi sila masaya sa buhay at bahay nila kaya intindihin mo nalang kung bakit minsan laman ka ng usapan nila." ðŸ”—

 

7. "Wala naman taong nagagalit nalang bigla ng walang dahilan. Nagalit sya sa sharedpost mo? Ang tanong dyan bakit sya apektado, bakit sya tinatamaan?" ðŸ”—

 

8.  "Gumanti lang ako ah, bakit parang kasalanan ko." ðŸ”—

 

9. "Kapag wala naman akong ginawang mali sayo at alam ko sa sarili kong malinis ang konsensya ko, tapos nag-iinarte ka, aba, kahit pa wag na tayo mag-usap habang buhay." ðŸ”—

 

10. "Ang sama-sama daw ng ugali ko, natural, masama ka rin kung makitungo eh. Anong ineexpect mo?" ðŸ”—

 

11. "Hindi kayo friend, pero iniistalk nya profile mo, tapos sabi nya pinaparinggan mo sya. Baliw na talaga." ðŸ”—

 

12. "Itong kabaitan ko para lang to sa mga taong maganda yung trato sakin. Yung sama ng ugali ko alam nyo na kung para kanino." ðŸ”—

 

13. "Todo grind na kame sa buhay, ikaw nasa stage ka parin na ayaw malamangan." ðŸ”—

 

14. "Close kami nyan dati, nasapawan lang kaya hindi na ko kinakausap ngayon." ðŸ”—

 

15. "Hindi na yata pagsubok yang pinagdadaanan mo, karma na yata yan." ðŸ”—

 

16. "Nakakatuwa talagang tignan kung paano nagba-bonding yung mga nagsisiraan kapag di magkakasama." ðŸ”—

 

17.  "Minsan kailangan mo lang makaganti, tapos magiging okay kana." ðŸ”—

 

18.  "Nakakatawa, yung mga taong may ginawa sayong hindi maganda, iniisip nila para sa kanila yung mga pinoposy mo sa social media." ðŸ”—

 

19. "May pa unfriend-unfriend ka pang nalalaman, eh wala naman akong pake sayo." ðŸ”—

 

20. "Imagine, wala kang ambag sa buhay ko pero ang hilig mong mangi-alam." ðŸ”—

 

21. "Wala daw sa tamang pag-iisip yung panay ang shared post ng patama sa social media, eh kung ganun po pala, ano pa po yung sa salo ng salo?" ðŸ”—

 

22. "Ano yun, gusto mo mabait parin ako sayo habang binabalasubas mo ko? Ulo mo." ðŸ”—

 

23. "Kulit ng mga taong hilig manira tapos biglang magpapavictim kapag pinatulan mo." ðŸ”—

 

24. "Hanap ka ng iba, wag ako. Nakaka-stress ako kaaway." ðŸ”—

 

25. "Yung nakakatakot kang maging kaibigan kasi kahit yung naging pinakamabuti sayo tinraydor mo rin sa huli." ðŸ”—

 

26. "Dahil inggit sayo yan, gagawan ka ng kwento nyan." ðŸ”—

 

27. "Ganyan talaga kapag mahihina, kailangan pa ng kakampi." ðŸ”—

 

28. "Wala daw munang pansinan, wala pang kailangan eh." ðŸ”—

 

29. "Guni-guni mo lang yan, walang nakakainggit sayo." ðŸ”—

 

30. "Isipin mo yun, nagbatian kayo sa daan ng taong panay kwento ng kung ano-ano tungkol sayo tapos akala nya hindi mo alam." ðŸ”—

 

31. "Kaya bihira yung naasenso satin, andaming ayaw malamangan." ðŸ”— 

 

32. "Dito sa Pilipinas kapag nakita kang umaangat ng kapwa mo Pilipino, yari ka. Ayaw na ayaw nila nun. Lalo na kung alam nilang mahihigitan mo na sila." ðŸ”—

 

33. "Maninira ka nalang eh, patanga-tanga ka pa." ðŸ”—

 

34. "Wala akong pake sa buhay mo, sana ganun ka din sakin." ðŸ”—

 

35. "Kakasira mo ng pangalan ng iba, sirang-sira kana." ðŸ”—

 

36. "Siyempre ako ang masama dyan, kwento mo yan eh." ðŸ”—

 

37. "Kahit ano pa ang estado mo sa buhay, wala kang karapatang mang insulto ng kapwa." ðŸ”—

 

38. "Plantyahin mo muna ng maigi yang pag-iimbento mo, baka di mag tugma-tugma yan, ikaw din." ðŸ”—

 

39. "Wala akong pake sa buhay mo, sana ganun ka din sakin." ðŸ”—

 

40. "Kapag may nagkukwento sakin ng kasiraan ng isang tao, mas natu-turn off ako sa nagkukwento." ðŸ”—

 

 41. "Kahit gaano kalungkot yung kwento nya, wag mong ipapautang sa kanya yung savings mo, wag na wag, masisira ang buhay mo." ðŸ”—

 

42.  "Kung di ka masaya sa buhay mo, wag kang toxic sa ibang tao." ðŸ”—

 

43.  "May mga taong sadyang guguluhin yung sayo, kase hindi nila maayos yung sa kanila." ðŸ”—

 

44. "Palaging api sa kwento pero ang totoo sya talaga yung gumagawa ng hindi maganda." ðŸ”—

 

45. "Papasamain ka sa kwento para hindi halatang siya ang nagsimula." ðŸ”—

 

46. "Galingan mo sa buhay para madaming pagku-kwentuhan mga tsismosa dyan sa inyo." ðŸ”—

 

47. "Madalas nakakapagbitaw lang naman tayo ng mga masasakit na salita kapag sobrang galit na natin eh, pero hindi naman ibig sabihin nun masamang tao na tayo. Meron kasing mga tao na tipong sasagarin ka nila hanggang mapuno ka na tapos sila pa may ganang umasta na parang wala silang kinalaman kung bakit ka umabot sa puntong yun." ðŸ”—

 

48. "Lahat tayo madaling utangan, hanggang sa makatagpo na tayo ng taong napakahirap singilin." ðŸ”—

 

49. "Okay na yun, wag kanang mag sorry, wala rin naman akong balak patawarin ka." ðŸ”—

 

50. "Lahat ng taong may ginawang mali sayo, habang buhay iisipin na lahat ng pinoposts mo sa social media ay para sa kanila." ðŸ”—

 

51. "Yung di mo nga makita pangalan mo sa mga post ko tapos ngawa ka ng ngawa dyan." ðŸ”—

 

52. "No offense, pero masaya 'kong wala kana sa circle of friends ko." ðŸ”—

 

53. "May tao talagang bawat galaw mo gagawan ka ng issue." ðŸ”—

 

54. "Kapag guilty talaga ang isang tao bigla nalang tinatamaan ng mga ligaw na sharedposts eh no. Tapos iisipin pa nyan nila, lahat yun patama mo sa kanila. Entitled yan? Pagaaksayahan ka ng oras?" ðŸ”—

 

55. "Malabong kainggitan kita, ayoko ng meron ka, tapos wala ka ng meron ako." ðŸ”—

 

56. "Kapag pinatulan nagagalit, kapag di naman pinansin nagagalit parin. Yung totoo?" ðŸ”—

 

57. "Ang init no? Demonyo ka kasi." ðŸ”—

 

58. "Chill lang ako dito habang pinagkukwentuhan nila ako at sinisiraan. Sigurado naman akong ganun din sila sa isa't-isa kapag hindi sila magkakasama." ðŸ”—

 

59. "Sa mga may galit sakin dyan, tara kape tayo, tapos pag-usapan natin kung inaano ba kita." ðŸ”—

 

60. "Yung anlakas mo manira ng kapwa mo pero anlakas din ng loob mong pumasok sa simbahan." ðŸ”—

 

61. "Isipin mo, masama ugali ko sa mga kwento mo pero mas naasiman sila sayo." ðŸ”—

 

62. "Wag mong patulan yung mga hindi mo ka-level para solid yung inis nila." ðŸ”—

 

63. "Kapag pinatulan mo lahat ng may ayaw sayo, hindi ka sasaya. Hayaan mo lang sila na nanggigigil sayo tapos ikaw nag-eenjoy ka." ðŸ”—

 

64. "Kapag sarado yung utak, asahan mong bukas palagi yung bibig nyan." ðŸ”—

 

65. "May nanira na sakin dati, grabe. Nagugulat nalang ako may galit na sakin. Pero nung ginawa ko narin sa kanya yung ginawa nya sakin, buong barangay inayawan sya." ðŸ”—

 

66. "Gusto mo bang higitan silang lahat? Anong pang hinihintay mo, siraan mo na sila." ðŸ”—

 

67. "Kakabantay mo sa buhay ng iba, nakalimutan mo nang pagandahin yung sariling buhay mo." ðŸ”—

 

68. "Sharedpost palang yan nag-iiyakan na, pano pa kaya kung literal na ginantihan mo na." ðŸ”—

 

69. "Di lahat ng demonyo nasa impyerno, yung iba kase nandyan lang, browse-browse lang sa profile mo. Nagaabang ng bagong post mo na pagkukwentuhan nila." ðŸ”—

 

70. "Huhusgahan ka ng taong mas madami pang nagawang mali kaysa sayo. Ang nakakatawa, mas naniniwala pa sila dun kaysa sayo." ðŸ”—

 

71. "Sobrang ikli lang ng buhay, kaya piliin mong pumatol kesa magpatawad." ðŸ”—

 

72. "Minsan kailangan mo lang din talagang pumatol para ipamukha sa kanila na mali sila, at wala silang karapatan na tapak-tapakan ka." ðŸ”—

 

73. "RIP sa mga pagkakaibigang nasira ng dahil lang sa pera." ðŸ”—

 

74. "Madami ka naman magandang nagawa, pero dahil nga inggit sayo yan puro kasiraan mo lang ang ikukwento nyan." ðŸ”—

 

75. "Nawalan na ng pake yung dating maalalahanin dahil sa kagagawan mo." ðŸ”—

 

76. "Ganun talaga, kapag tapos kana nilang pakinabangan, tapos ka narin nilang pakisamahan." ðŸ”—

 

77. "Magparami ka ng pera, para madali lang sayo ang umalis kapag di mo gusto yung paligid." ðŸ”—

 

78. "Kumalma ka lang hoy, wala pangalan mo sa mga sharedposts ko." ðŸ”—

 

79. "Binaha ako ng paninira, pero nilangoy ko lang, astig ako eh dapat wala akong pake." ðŸ”—

 

80. "Egul lang kapag pumatol pa tayo, alam nating may magandang future na naghihintay satin eh, tapos sila alam nilang wala silang future." ðŸ”—

 

81. "Yung iba nakatikim lang ng konting kasaganahan, grabe na manlait ng wala. Dahan-dahan lang ah, baka biglang mawala sayo lahat yan." ðŸ”—

 

82. "Wala din akong respeto sa walang respeto, pareho tayo." ðŸ”—

 

83. "Wala namang mawawala sayo kung irerespeto mo yung mga taong maayos ang trato sayo." ðŸ”—

 

84. "Dapat wala silang alam sa mga plano mo para hindi din nila alam kung paano ka nila kokontrahin." ðŸ”—

 

85. "Di na uso ngayon yung wag nang patulan para di na lumaki, ganti agad para tapos na." ðŸ”—

 

86. "Tablahin mo na agad sa unang beses palang na i-disrespect ka." ðŸ”—

 

87. "Sabi ko sayo eh, mas nasasaktan yung mga papansin kapag hindi mo sila binibigyan ng atensyon." ðŸ”—

 

88. "Sana pagtapos mo kong siraan, bangungutin ka sa panaginip mo ng mga magagandang bagay na ginawa ko para sayo, pati na ng mga naitulong ko sayo." ðŸ”—

 

89. "Anlupit talaga gumalaw ng mga inggit sayo, magugulat ka nalang may bago nanamang galit sayo." ðŸ”—

 

90. "Bawal kang tamarin, tandaan mo pangit ugali mo walang tutulong sayo." ðŸ”—

 

91. "Malalaman mong hindi sila masaya sa buhay nila kapag pati yung sayo pinapakialaman na nila." ðŸ”—

 

92. "May nakita din akong mali sayo pero mas pinili ko nalang manahimik kaysa ipahiya ka." ðŸ”—

 

93. "Lahat ng ginagawa mong kalokohan sa isang tao ay babalik din sayo balang araw." ðŸ”—

 

94. "Kapag tumingin ka sa mga nakapaligid sayo tapos hindi ka naiinspire, palit kana agad ng mga taong sasamahan." ðŸ”—

 

95. "Yung mga maniniwala lang sa naninira sayo ng di inaalam ang totoo ay hindi pa naexperience kung gaano kasarap maging tropa mo." ðŸ”—

 

96. "Wag kanang mag aksaya pa ng panahon para ipaliwanag yung sarili mo, di na yan kailangan ng mga taong totoo sayo, isa pa hindi ka rin naman paniniwalaan ng mga ayaw sayo."  ðŸ”—

 

97. "Kapag wala kang pake, mas naiinis sila." ðŸ”—

 

98. "Yung mga nagkakampihan para siraan ka, balang araw sila naman ang magsisiraan." ðŸ”—

 

99. "Alam mo kung ano yung nakakatawa? Yung todo kwento sya with action pa, para lang siraan yung isang tao, at ibida ang sarili nya, tapos alam mo naman talaga kung ano ang totoo." ðŸ”—

 

Kung umabot ka hanggang dito, congrats! Itong pang 100 ang pinaka paborito ko sa lahat.

 

Sa kasalukuyan, habang sinusulat ko ito ngayon, meron na itong 35,000+ reactions sa Facebook, 2,400+ comments at mahigit 16,000 shares.

 

Ang post ko na to ay madami din nabentang "Masama Ugali Clothing" dahil naka advertise ito sa comment section ng post, tapos nag trending talaga sya. hehe

 

100. "Kapag nag imbento na sila ng kwento tungkol sayo, senyales yan na hirap na hirap na silang ihandle yung inggit nila sayo." ðŸ”—

 

Ayos ba? Kung nagustuhan mo yung nabasa mo dito ngayon, sigurado akong magusgutuhan mo din itong nasa ibaba. Alam mo na ang gagawin!

 

"20 na Pang malakasang Hugot Lines ni RC Blizz, na hindi mo pa nababasa sa iba".