25 Patama Quotes para sa mga Toxic at Narcissistic na Tao ni RC Blizz

Larawan ni RC Blizz sa loob ng kotse

Patama quotes ba para sa mga Toxic o Narcissistic na tao ba ang hanap mo? Sagot na kita! Dahil ang mga mababasa mo ngayon dito ay koleksyon ng mga banat  ko sa social media, bilang patama sa mga manipulative, toxic, at narcissistic na tao.

 

Pero bago tayo magsimula, para sa mga ngayon palang napadpad dito at hindi pa ako kilala, ako nga pala si RC Blizz! Isang independent musician, na ipinanganak at dito narin lumaki, sa bayan ng Cavite. Yes, meron akong music production, gumagawa ako ng kanta, at mapapakinggan ang mga gawa ko sa Spotify, Youtube, Apple Music, at sa iba pang kilalang streaming platform.

 

Handa kana bang makabasa ng mga maaangas na banat para sa mga toxic at Narcissistic na tao.

 

Naglagay din pala ako dito ng link, na papunta sa bawat Facebook post ko. Para halimbawang gusto mo magbasa-basa ng mga comments o nang reaction ng tao sa bawat patama ko, madali mo nalang ito na makikita. Yun yung icon ng kadena sa dulo ng bawat quotes.

 

25 Patama Quotes ni RC Blizz sa Facebook, para sa mga Toxic at Narcissistic na Tao

 

1. "Walang ibang gagawin ang toxic na tao kundi pagmukhain na ikaw ang mali, sa sitwasyong sila naman ang may gawa." 🔗

 

2. "Iniisip ng plastik mong friend na wala kang kaalam-alam sa ginagawa nya kase hanggang ngayon okay parin kayo. Dyan sya mali." 🔗

 

3. "Wala kang karapatang punahin yung mali ng iba, lalo na kung mas marami kang nagawang mali sa buhay mo kaysa sa kanya." 🔗

 

4. "Mali sa pananaw nila kase di pabor sa kanila." 🔗

 

5. "Yung sila na yung may ginawang mali pero sila pa yung parang argabyado umasta." 🔗

 

6. "Wala namang mali sayo. Hinahanapan ka lang talaga nila." 🔗

 

7. "Sasagarin ka nyan para makagawa ka ng mali, tapos kapag nandun kana, ikaw yung papalabasin nilang masama." 🔗

 

8. "Alam kong nakikinig lang sya sa kwento ko para may maikwento sya sa iba, kaya sinadya kong magkwento ng mali para mag mukhang tanga sya." 🔗

 

9. "Umiwas ka sa taong puro mali mo lang lagi ang nakikita. ASAP" 🔗

 

10. "Wala naman palang nakakainggit sakin eh, bakit nagagalit ka." 🔗

 

11. "Wala pa kong nakita na umasenso sa buhay kakapuna ng buhay ng iba. Nabangasan meron." 🔗

 

12.  "Ang kalmado at sobrang payapa ng buhay kapag wala kang pake sa kanila." 🔗

 

13. "Nakalimutan yata nila na galing tayo sa wala, kaya wala din mawawala satin. Sige, testing." 🔗

 

14. "Wag mo sabihing wala kang talent, ang galing mo kayang manira." 🔗

 

15. "Pet peeve ko talaga yung mga taong takot sa sariling multo, nagagalit pag ginawa sa kanila, pero okay lang pag sila gumagawa." 🔗

 

16. "Di lahat ng nagsusumbong nagsasabi ng totoo, kung minsan nga sila pa ang sinungaling." 🔗

 

17. "Focus ka lang sa ginagawa mo, wag mo pansinin mga di magandang sinasabi nila sayo. Natatakot lang sila makita kang nagtatagumpay." 🔗

 

18. "Tamo, masisikmura nila magsama-sama kahit sila-sila ang nagsisiraan." 🔗

 

19. "Sisiraan ka nalang talaga nila, di nila kayang makita na nahihigitan mo na sila eh." 🔗

 

20. "Yung mga walang magawa sa buhay sila talaga yung madaming napupunang mali sa buhay ng iba." 🔗

 

21. "Kapag wala kang pake sa kanila, mas naiinis sila ." 🔗

 

22. "Kapag gumawa na sila ng dummy acc para siraan ka, ibang level na ang asar sayo nun. Baka di na nga nakakatulog yun." 🔗

 

23. "Di ko hilig makipag away, sila lang gumagawa nun. Sila lang din nagiisip na kaaway nila ko. Ang totoo, wala talaga akong pake." 🔗

 

24. "Yung sila na yung may ginawang mali pero sila pa yung parang argabyado umasta." 🔗

 

Itong pang 25 ang pinaka paborito ko sa lahat, hugot na hugot eh hehe

 

25. "Hindi ako nagbago, narealize ko lang na napakalawak ng mundo para magtiis kasama yung mga taong hindi naman totoo sakin." 🔗

 

Nabitin kaba? Heto bonus! Matatawa ka dito sa isang 'to sigurado ako. Sarap nito i-share sa socmed. Haha

 

"Kapag di mo alam yung buong istorya, dapat wala kang kinakampihang tnga ka." 🔗 

 

Nag enjoy kaba?