20 Hugot Lines ni RC Blizz na hindi mo pa nababasa sa iba

Larawan ni RC Blizz
Hugot lines na pang malakasan ba? Sagot na kita! Ang mga mababasa mo ngayon dito ay ang 20 hugot lines na pinost ko sa Facebook. Yung iba dito ay nag-viral dahil sa dami ng naka-relate, kaya sigurado akong magugustuhan mo din ang mga 'to.
 
Ako nga pala RC Blizz, kung sakaling hindi mo pa ako kilala, at ngayon ka palang napadpad dito sa website ko. Isa akong independent musician na may sariling music production, gumagawa ng mga beats, at naglalabas ng mga original songs na mapapakinggan mo din sa lahat ng platforms.
 
Nakahiligan ko lang din mag-post sa social media ng mga patama, hugot, mga nakakatawang banat at iba pa dahil napansin kong gustong gusto ito ng mga followers ko sa Facebook. Kaya yun, nandito narin tayo ngayon. May sarili pang website para maabot din tayo ng mga taong walang hilig sa FB.
 
Handa kanaba?
 
Nilagyan ko din pala ito ng mga links papunta sa mga Facebook posts ko, para kung sakaling gusto mong silipin, at magbasa-basa ng mga comments ng mga tao, madali mo lang syang makikita. Enjoy!
 

20 Pang Malakasang Hugot Lines ni RC Blizz na kumalat Facebook

 
1. "Kapag wala talagang nakarinig ng side mo wasak talaga pagkatao mo dahil sa mga maling kwento tungkol sayo." ðŸ”—
 
2. "Kapag tama yung ginawa mo wala lang sa kanila. Pero kapag nagkamali ka ayan na. Lahat sila nakatingin na." ðŸ”—
 
3. "Kung gaganti kasi tayo parang wala narin tayong pinagkaiba sa kanila." ðŸ”—
 
 
4. "Kapag kinakagalitan kita, ibigsabihin may pake ako sayo. Kapag hindi na, wala na." ðŸ”—
 
5. "Magaling lang sila mamuna, pero yung sarili nila hindi nila nakikita." ðŸ”—
 
6. "Di ako yung tipong unang nagbababa ng ego lalo na't alam kong wala akong ginawang mali. Hahayaan lang kita na marealize mo lahat." ðŸ”—
  
7. "Ikukwento lang nila yung mali mo, hindi yung mga magaganda mong nagawa para sa kanila." ðŸ”—
 
8. "Di mo na kailangang magpaliwanag sa kanila. Mananatili ang mga tunay talaga sayo, maniniwala naman sa mali yung hindi." ðŸ”—
 
9. "Alam nila sa sarili nilang hindi ka nila kayang higitan kaya babantayan nalang nila yung ginagawa mo, at mag aabang sa mga mali mo." ðŸ”—
 
10. "Kaysa mali ng tao yung pinaguusapan natin, yung mga magaganda nya nalang na nagawa. Sigurado naman mas marami yun." ðŸ”—
 
11. "Dun tayo sa tropang kahit nung walang wala tayo eh di nagbago yung pakitungo satin." ðŸ”—
 
12. "Kapag minahal mo yung sarili mo, wala kang pagsisisihan sa huli." ðŸ”—
 
13. "Mararamdaman mo kapag yung tao hindi totoo sayo." ðŸ”—
 
14. "Lahat yan mahal ka kapag wala kana." ðŸ”—
 
15. "Yung susunod na iyak mo dahil na sa tuwa." ðŸ”—
 
16. "Dati akala ko din kapag mabait ka sa kanila, magiging mabait din sila sayo. Pero iba yung turo sakin ng mga karanasan ko." ðŸ”—
 
17. "Hayaan mo sila kung anong opinyon nila sayo, gusto ka man nila o hindi, hindi naman yan kabawasan sa pagkatao mo." ðŸ”—
 
18. "Ang tao ngayon hindi na pumapanig sa kung sino ang tama, dun sila sa kung saan sila nakikinabang." ðŸ”—
 
19. "Hindi sila natutuwa sa mga pagbabagong nagaganap sa buhay mo, gusto nila kung ano sila, ganun ka din." ðŸ”—
 
Nag enjoy kaba sa mga nabasa mo? Itong pang 20 na ito ang isa sa mga hugot lines na pinakapaborito ko sa lahat ng nagawa ko. Totoong nangyayari eh, nangyari din talaga sya sakin. Yung mapapasagot ka ng Oo, kahit hindi mo naman talaga gusto, nahihiya ka lang tumanggi. hehe
 
20. "Ang mali ko lang dati nahihiya akong tumanggi, laging "Oo" yung sagot ko kahit labag sa loob ko." ðŸ”—
 
Nabitin ka ba? Itong susunod ay siguradong magugustuhan mo. Madami ang nagrerequest nito sa mga followers ko sa Facebook para meron silang mai-share. Alam mo na!